Jeepney Ride Musings

Lumagpas ako sa dapat kong puntahan today, kakatunganga sa loob ng jeep. Ang tagal talaga bago nagregister sa utak ko na nadaanan ko na ang Metrobank. Nasa ibang baranggay na ko nang napansin ko na sumobra na ako sa byahe.

Maybe I was thinking too deep. Or thinking too much. Ganito pala ‘pag wala ka ng pasok, kapag nagaantay ka na ng graduation day. It feels like you have so much time and space in your hands. Napapatulala ka na lang sa loob ng jeep kaiisip kung ano na balak mong gawin after grad, after review, at after kumuha ng board. Hindi rin maiwasan na magpakasenti dahil namimiss mo na pumasok, tumanggap ng allowance (at igastos!), makita ang crush mo at syempre yung mga kachismisan mo sa loob at labas ng classroom.

In a way, it feels really good to have this much space to think and be with myself. Para maalala ko naman kung sino na ba ako at kung ano na ang gusto ko maging. Yun lang, napagastos ako ng extra 8 pesos.

Pero, ano man lang ang 8 pesos kumpara sa magiging return once I finally figure out what I really want to do in life, aside from being awesome? I mean, being an engineer.😉 Naalala ko ang sabi sakin ng high school math teacher ko. Sabi niya, “Kung gusto mo maging maganda ang kalalabasan, humanda kang gumastos.” Ito na siguro simula nun.

A

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s