Para sa Amang may anak na bihira magsalita

Alam ko naman na ang intensyon mo’y para sa kabutihan ko.

Alam ko naman na gusto mo lang ibahagi ang nalalaman mo.

Alam ko naman na ito ang tanging paraan upang itanim sa katauhan ko ang itinanim din sa inyo.

Alam ko na ito lamang ang panahon na maaari ‘tong pag-usapan.

Bilang isang anak, alam kong kinakailangan kong gampanan ang aking papel bilang isang sponghang sumisipsip ng tubig. Isang sponghang tahimik na sumisipsip lamang. Hindi maaaring magsalita, tanging tungo at opo lang ang pwedeng isagot. Parang mga sinaunang panahon lang. Ang lahat ng nakatatanda ang siyang may alam. At ang lahat ng kanilang alam ay tama. Bawal magsalita ng opinyong salungat dahil pagsasabihan kang sumasabat ka na sa nakatatanda. Hindi rin maaaring sabihan na ipagpaliban ang usapan dahil naiilang ka na.

Alam ko, na sa aking kinalakihang kultura, mahalaga ang tradisyon ng pagbibigay halaga sa nakatatanda. Ngunit, naisip niyo po ba na ang anak ninyong bihira magsalita’t sumisikap maging spongha’y napupuno rin sa puntong kailangan na nilang magsalita? Alam kong gusto niyong ibahagi sa akin ang pangarap niyo sa inyong anak, ngunit talaga po bang kailangan niyo sabihin sa panahon ngayon na siya’y pagod, abala at nag-aalala na maipasa ang mga kursong kanyang pinag-aaralan?

Alam ko na sa pagkakataong ito ako ang may pagkakamali dahil hindi ko po kayo nasabihan ng maayos. Nagsalita po ako batay sa nararamdaman ko sa panahong iyon. Ang pakiramdam ng pagkakasakal sa dami at bigat ng inaasahan mula sa akin sa kinakaharap. Ang pakiramdam na ang kahit kaunting pagkakamali’y sisira sa inaasahan. Ang pakiramdam ng takot na baka’y ni isa sa pangarap mo saking ay hindi ko magawang matupad. Alam ko na mabuti ang maiidudulot ng lahat ng ito. Subalit, kung ito’y iisipin sa panahong hindi ako isang spongha, kung hindi isang anak na gustong magpahinga, pakiramdam ko po’y guguho na lamang ang mundo sa akin. Humihingi ako ng paumanhin.

Sisikapin ko lalo na maging isang anak na bihira magsalita ‘pagkat iniintindi ko na kayo’y tumatanda na’t kailangan ng pag-unawa. Isa lamang itong pag-lihis sa papel na dapat kong gampanan. Huwag na po kayong mag-alala at babalik rin po ako sa pagiging bihira magsalita. Tutungo na lamang po ako’t idadaan ko na lamang sa sulat ang nararamdaman.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s