Coding ‘pag Thursday

Naghintay ako ng 15 minuto para may mag U-turn na bus kasi wala talaga akong masakyan kaninang umaga. Lahat standing. O di kaya hindi ka na papapasukin ng driver ng bus sa sobrang sikip. Ganda ng view kapag naghihintay ka sa sidewalk e. Ang mga mukha nila nakadikit na halos sa pintuan. Ano naman ang magagawa ko, kung hindi ang maghintay at aliwin ang sarili sa mga nakikita ko, di ba? Ganyan nalang palagi tuwing Thursday. Siksikan, tulakan, paunahan kasi walang may gusto magjeep sa sobrang init, lagkit at dumi ng hangin. Kung makita mo lang ang alikabok sa Coastal, siguradong hindi mo talaga pipiliin magjeep sa tuwing papasok ka sa trabaho o sa eskwela.

Ayon sa mga kunduktor, maraming bus ang hindi nakakapagbiyahe tuwing Huwebes dahil napapasailalim ang kanilang mga plaka sa Color Coding Scheme. Naman, naman, bakit kasi irerehistro ninyo ang karamihan sa bus ninyo sa mga plakang nagtatapos sa numerong 7 at 8? Pwede naman iyan i-distribute. Pautakan na naman ba iyan?

Hapon na rin ako nakasakay pauwi. Standing ako hanggang Libertad at suot-suot ko pa ang flats kong masakit sa sakong. Well, at least hindi ako naka-heels di ba? Thank God, I’m in engineering. :))

Nakarating ako sa SM pasado ala-siyete na traffic kasi at umuulan pa ng malakas. Unti unti namang binabaha ang Taft noong umalis ako e. Kita mo lang. Basta sana hindi umulan bukas kasi gabi na ako makakauwi. May meeting ako na kailangan ko nang daluhin dahil baka masuspend ako kung mag-absent pa ako. Okay na sana ako e, pero noong nagpaalam ako sa magulang ko, nasabihan pa ako ng tatay ko na tutuloy-tuloy na yang mga gabi kong uwi, na hindi ako naniwala sa kanya. Hay, tatlong taon. Tiis.

Ilang Huwebes pa ang aking dadaanan.

XO

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s