The 2nd Level Inner Mind Talks

Today was basically a ‘knock-myself-out-with-stress’ day. I was juggling my worries between my Calculus quiz and my research paper deadline.

And this is how my 2nd level inner mind tells the story…

Grabe, ang hirap ah. Sa kotse pa lang hirap na hirap na ‘ko. Mahirap labanan ang antok. E, kinailangan ko pang basahin ang marginal notes para mabuo ko na ang paragraph 1. Nilagay ko na lamang sa phone ko ang draft kasi di ko na magawang isulat.

Napansin naman ni Dad ang pagka-haggard ko umagang umaga pa lamang. Sabi niya, “Anak, ok ka lang? Lain matyag mo? (Child, are you alright? Are you sick?).” Umiling naman ako. Wala naman talaga akong sakit. Mukha lang talaga dahil sa stress. Bale, kamukha ko na yung babae sa commerical ng Stresstabs. BV.

Ok na sana ang bustrip e. Napatingin ako sa relo ko nung paliko na ang bus sa Taft mula Buendia. Saktong alas-8. Makakarating ako ng Andrew ng 8:15, sabi ko. E ba naman, traffic pala mula pagliko hanggang Vito Cruz. Tapos dagdagan pang ihing-ihi na ako. Perfect talaga. Nakarating ako ng South Gate ng 8:20. Nag-cr na ko. Bahala na ang ma-late basta huwag lang mabasa ang maong ko!

Buti na lamang nakarating naman ako nang kasisimula pa lamang ng prof mag-lecture. Basta ANAGEOM, laging bitin sa oras. Ang bilis lang ng period e.πŸ™‚

Tapos CHEM. Hay chem. Eto na naman. Ang isa’t kalahating oras ay parang tatlong oras. May quiz pa! At gutom na gutom pa ako. Terrific. Kaya nang matapos ang klase. Diyosko para akong pinakawalang aso sa 6th floor, hindi mapakali. Basta makakain. At hindi pa ako nabusong sa isang rice meal an order. Bumili pa ako ng snacks. Well, sa tatlong sunod sunod na klase plus quiz pa sa Calculus, magagawa ko pa bang bumaba ulit at kumain? Edi isahan nalang!πŸ™‚

Review. Review. Pero gawa muna ng ENGLRES ng saglit. Okay na e. Pero nung magsimula na kong gumawa ng DIFFCAL, parang gumuho bigla ang mundo. ang 9 times 2 ko ay naging equal to 4. Stress at kaba ba naman.😐

-end of 2nd level inner mind-

Turned out to be better than I expected. Divine intervention proved to be my salvation. After 20 minutes of blank staring at the test questionnaire, I finally realized how to solve the problems. Relief, really, despite my huge doubt of my answers.

Then great great accomplishment in ENGLRES. I finished all the tasks on time. And I was shocked at the computation of my midterm grade.πŸ™‚ 95%πŸ™‚

Lesson of the Day: DO NOT EXPECT. Just stay humble as much as possible even if you really aren’t for the part. It does wonders. It can even make you recall in the recesses of your brain how to do differentials.πŸ˜‰

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s