Nakagagago lang

Inaabutan na naman ako ng pagka-taklesa. No, hindi yung tipo ng taklesa na kiss-and-tell sa sikretong hindi kanya. Taklesa in a sense na mali yung labas ng sentence sa bibig. Yung tipong wala ka namang pinatatamaan, wala ka namang malisyosong puntong pinatutunguhan pero uwing lumalabas na sa dila ang bawat salita ng pangungusap na ipinapahiwatig, it always sounds so wrong.

Nakakagago lang.

Bakit?

Kasi ilang beses na ‘to nangyayari sakin, hindi man lang magawan ng paraan para never nang umulit. Para bang seasonal sickness. Grabe, kung hindi ako magiging pala-away, ito pala ang hinahantungan.

Nag-away na naman kami ng kapatid ko sa la mesa. Ba naman kasi, natututo nang sumagot. E ako kasi, bilang isang pinanganak ng Agosto, masyadong mataas ang ego. Hindi talaga ako magpapatalo diba. Edi ayun, maluhaluha na siya, sabat pa rin. Buti nalang may katabi akong toblerone. May masubo para umawat kahit kaunti.

Ayun. Ngayon namomoblema naman ako sa flyers para sa TLE at sa editorial na kailangan ko pang isulat. Warra. Sana lang hindi ako masabaw sa robotics seminar bukas.

Nga pala, ngayon na palapit na ang Christmas, tinatamad akong mag-aral. Ayan, isa pang nakakagagong ideya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s