Doors.

<Habang nagpapanatang makabayan!>

Trixie: Uy, Gelo, may kilala akong nagkakacrush sayooo!

Gelo: (NR)

Trixie: Gelooo! May kilala nga akong nagkakacrush sayo!

Gelo: So? I don’t care.

Alec: Malas naman ng babae.

Gelo: Haha. Malas ka! (Sabay turo kay Alec)

Alec: (WTF Face… Tawa.sabay batok.)

Umagang umaga, ang hangin na. Daming alam. May kasama pa kasing turo, conviction, at nakakaasar na tawa. Napaisip pa ko ng magiging reaksyon e. Nakakagulat. Kaya natawa ako sabay batok sa kaniya. Naubusan na kasi ata ako ng pwedeng maimura e. =)) Bastusin akong bata.

Anyway. Sabi nga, when one door closes, two doors open. Bad trip na badtrip ako kahapon. Alam mo naman na minsan tinotopak ang tao at kinakalat ang lagim. E ako naman, nahahawa, edi nagsabog din ako ng mga makukulay na salita. Tapos maya’t maya, nagsorry naman. May mabuti palang naidudulot ang sorry. Lumiliwanag ang mundo. Tapos nabibiyayaan ka naman sa quizzes. Karma ba.

Edi one door na un. Pero, kung iisipin, ang dami palang door na bumukas at pinasukan ko. Math, grabe first time na naintindihan ko ang shortcut formula ng geometric mean. Edi nakapagrecite. CCF…uhh… masasabi ko lang dun, masayang makipagdaldalan sa katabi kahit pinariringgan ka na ng teacher. Dami kasing kwentong natutunan kapag nakikipagdaldalan. =))

Lunch, nagpapanic na ako. Kasi hindi na pala ako magpeperform. Lights nalang ang aasikasuhin ko. Buti may mga cellophane na nakakalat dun sa lobby. Heehee.

English. Para na kaming kukuha ng Psych sa lesson namin. Sigmund Freud kasi maraming alam tungkol sa kahayupan ng tao. Kaya ngayon, feeling ko ang talino ko na. Kasi, natututunan ko na ang mga motibo ng tao. Ilang beses na ako napa- “Ay! Kaya pala ganun siya e…” sa isip. Narinig ako ng Diyos. Ayun napahamak ako. Enjoy naman ata ang nanghamak. Pinagmalaki mo pa ata sa mga kaibigan mo na seatmate ko rin.

TLE. Nakakabobo magisip ng concept para sa isang advertisement. Galing ni Islau e. Nakaisip ng simple pero effective. Yung sa kaniya nalang gagamitin.

Physics… Napanganga na lang… Pero lab pa rin si Ms. Ditas!

Nakakatuwa lang kanina sa Filipino kasi, kahit lalake guro namin, ‘pag Feminism ang usapan, mapapatango ka nalang sa sasabihin niya at mapapa- “oh, yeah, tama nga!” sabay imagine na itinataas ang bandera ng kababaihan sa tuktok ng Mt. Everest. Galing e. Aliw!

Dismissal. Ginutom. Hiram muna lights tapos takbo sa canteen. Lamon. Hintay. Nagpatugtog ang SC kasi may FS Night ngayong gabi. Sayaw kami ni Dani. Hataw. Sige. Banat. Napagpawisan. Dumating si Ms. Cha. Walang may bumili ng merienda. Nakakahiya. Edi takbo ulit ako. Bili. Takbo pabalik. Hinihingal na. Tapos biglang start. Lights, baby!

Hindi ako makahinga buong run ng presentasyon. Parang life or death moment e. Sumablay lang ako sa paggamit ng green shade. Tapos ako talaga ata ang pinakamaingay na technical crew ever sa kasaysayan ng Seton. Dinig na dinig instruction ko e. Pati ang pagpapalit ng film.=)) At least tapos na ngayon. Happy na ko! Ang gaan na ng feeling. Filipino play at batch prod nalang!

Edi nag-ayos. Aba, nagsibat na yung iba. Edi kami na lang ni Pat ang nagbalik ng riser. Mabigat ha. Edi maayos na. Warra! Uuwian na!

Sabi na, ang daming pintuan na pinasukan ko. Kasi, kahit kaninang hapon, hindi maitago ang ngipin ko. Siraulo ngiti ng ngiti. Pero buti nalang ‘yan kesa halakhak ng halak hak. Nung mangyari kasi yun, bumagyo ng kamalasan the next day.

Kaya lesson for the week: Moderation. Tsk. Matakaw kasi sa kasiyahan.

2 thoughts on “Doors.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s