Friday na naman.

At akala ko tuloy-tuloy na ang masasayang Friday. Masaya na ‘ko kaninang dismissal kasi sabi ko malinis ang bitch list ko this week. Spoke too soon.

Pumunta kasi kaming tatlo nina mom at bro sa SM. Naghahanap kasi ng digital BP machine for lola at birthday gift for somebody na manlilibre ng hapunan bukas. E parang mamatay na kaming tatlo sa gutom. Haha, mga nagpapalipas gutom nalang lalo na pag tambak ang trabaho. Mga sira ulo. Anyway, edi ayun kain muna! Kaya, umikot-ikot na kami sa fast food chain sa ground floor, naghahanap ng mura pero mabubusog. Gutom na e. Napadpad kami sa Pinoy Toppings. Yun lang ata ung saksakan ng dami ang rice na ang sukat ay 1 cup. Haha. Bahala na kung hindi ‘sing sarap ng Giligan’s mapuno lang ang tiyan. Matutulog rin naman pagkalipas ng ilang oras.

Pumila na’t bumili, e pag sa fast food kami kumakain, hindi kami bumibili ng drinks sa mismong fast food chain, laki kasi ng patong kasi binibili pa ata dun sa loob. Kaya para makatipid, kasi pareho din naman ang iinumin, sa loob kami bumibili, sa tabi chocolate section. E ako naman, para talagang sulit ang kain, nagvolunteer na bumili dun sa department store. Sakto pagkabalik upo na lang at tuloy tuloy ang lamon ng pagkain.

So I was walking towards the department store. Petix lang, kasi baka lalo na ako mahilo kung magmadali pa ako. Edi ayun, mamili sa ref. Tubig kay mommy, pepsi in pet bottle kay bro at kung anong feel kong bunutin yung sakin. Malas at di gaanong malamig ang drinks. Pero ok lang yun, di naman ako mamamatay pag hindi cold. So pili… C2 sakin! Nakakatempt mag-Nescafe iced coffee, yun lang baka di na ko tuluyang makatulog. nakainom na kaninang lunch e. So pila….

Nakasalubong ko ang isang batchmate. Kaklase ata nina Anlo. Anyway, pumila ako, nasa likod lang ng mommy ata ni said batchmate. Ako naman bilang mabait na mamamayan ng Pilipinas e pumila ng maayos, as in yung tipong nagbibigay ako ng personal space sa mga pumipila sa harap at likod ko. Tapos bigla nalang may bruhang sumingit sa harap ko. Puta. Pasalamat siyang naka uniform ako at baka namura ko na siya. Bastusin e. Hindi ba halatang nakapila ako kasi nakaharap ako sa counter? Puta. Edi hinanap ko boses ko. Sakto lingon ng mommy of said batchmate sakin. Nahanap ko boses ko. Sabi, Miss, nakapila po ako. Lingon siya e. May kasama pang, AY! sorry. Edi sa likod ko siya pumila.

Napatawad ko na sana. Tarantadong bruha lang kasi. Ginigitgit ba naman ako. E nagbabayad pa si mommy of said batchmate. Alangan naman gitgitin ko rin un. Personal space nga bitch. Tapos, aba, nung pinatong ung iisang mineral water na bibilhin niya, parang iallagay pa sa harapan ng bibilhin ko. Excuse me, pero mas marami ang bibilhin kong inumin kaya pwede ba.

Banas na ko nang ako na ang sumunod sa counter. Lalo ako nabanas sa cashier. Mataray. Ni ngiti wala. Tapos nung tinanong pa ako kung may piso ako, parang kung sinong puta. Ganun ba kapag naka-uniform ako? Parang bumababa ang serbisyong inihahatid dahil alam nilang sila ang nakatatanda? E lahat naman nagbabayad a.

Naiirita lang ako sa katotohanan na kapag alam na bata ka o estudyante, pagsasamantalahan at mamaliitin ka ng iba. Parang sila hindi dumaan sa pagkabata. Si Adan ba sila o si Eba? Leche sila kung ganoon ang kanilang iniisip dahil pantay pantay lamang ang karapatan natin bilang mga mamimili. Nakakabuwiset. Dabog ako pagdating kina mommy.

Pero nawala naman ang lahat ng galit pagkasubo ng pagkain. Haha. Busog e. Daming kanin. Kinabahan pa ako pagkatayo, baka umakyat yung kinain ko. Ngayon, parang natunaw na. Fried rice kasi. Tsk.

Okay na ko ngayon. May bagong pabangong natutuksong bilhin sa body shop! White MuskĀ® Eau De Toilette. Kahit naligo na ko, naamoy ko pa rin sa kamay ko.

Smells like heaven!
Smells like heaven!

One thought on “Friday na naman.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s