Inabutan ng Pagkabaliw

Inabutan ako ng pagkabaliw ko. Naka-pigtails ako ngayon na parang si spoiled brat Angelina. Sinubukan ko na nga rin gayahin ang pag-arte ni Ogie Alcasid sa yaya ko. Tawa lang siya. Eksperimento lang. Kasi naman, napacharactrize ako kaka-describe nina Iman at Jomar ng mga tauhan sa script na ginagawa nila. Haha.

Anywho, Nagmuni-muni ako kanina habang naghihintay sa nanay ko at nakatayo sa tabi ng gate ng Seton. Naalala ko ang sabi ng isang nilalang kanina. Kelangan mo pa bang magmura? Sinagot ko naman diba. Sabi ko kasi nararapat lang sa kaniya yun. Pero bilang tao naman, may konsiyensya naman ako. Meron ba? Ata. So habang nagmumuni-muni, tinanong ko nga sarili ko kung bakit napapadalas ang pagmumura ko.

Sabi ko, ‘ ganun talaga pag meron ka. Mood swings,’ pero hindi ako panatag sa ganyang rason. Baka naman kasi sa stress. E, kaya nga may blog ako na pagsusulatan. Baka naman kasi sadyang madulas na ang dila ko. Pero, posible ba yun? Kaya nga may bibig tsaka tonsils. Para pigilan ang ano mang lagim na maaaring maisabi sa kapwa.

Kung ano man ang dahilan ng pagdalas ng pagmumura ko, hindi ko pa rin alam talaga kung bakit. Kahit masakit na maputok ang aking ego dahil ibang tao pa ang naninita sakin, kelangan kong tanggapin na may tama ang nilalang na iyon. Salamat. Salamat na lang na kahit minsan, yang pagka-ano mo, may mabuti na ring naidudulot sakin. Alarm clock ba? Talagang ako na naman ang kontrabida. Baka nga mas nararapat pa sakin ang sinabi ko sayo. O…

Baka nababaliw pa rin lamang ako.

Kanina pa ako naghihintay na makapag-OL. Ksi maghahanap ako ng nursery rhyme para sa Filipino. Isasalin daw sa Filipino yung mga English rhymes na yun. Warra naman diba? Haha ano kaya ang kalalabasan nun?

Anyway, marami pa rin ang gagawin bukas at kakailanganin ko pa rin ang Divine Intervention at good luck. Sana basbasan ako. At sana hindi naman masayang ang pagpapatama ng nilalang na iyon. Sige na nga, lilimitahan ko na ang pagmumura. Pitikin niyo nalang bibig ko bukas.😄

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s