Ako Mismo…hindi mangangako?

Katatapos ko lang i-edit ang article ng SN. Wala lang. Nakakawindang lang kasi. Ako Mismo.

Habang binabasa ko napaisip ako… Bakit nga hindi ko tinangkilik yun? Ay oo, ako kasi, ayokong magbitaw ng mga pangako na alam kong may posibilidad na hindi ko sundin. Di ba? Magpopost-post ka diyan sa website nila na magbabago ka tapos under some weird circumstance malalabag mo yun. Hindi ba nakakahiya? Laking ebidensyang isa kang hypokrito?

Naglalakad ka nga na may dogtag pinagmamayabang mo pa tapos kaibigan mo naninigarilyo sa tabi mo, tatayo ka lang diyan at makikihigop ng usok sa kaniya? Maging aso ka nalang sana. Di ka naman gumagalaw para sa pagbabago e. Nangungunsinte ka pa. Edi maging aso ka nalang, ibigay mo ang boses mo sa marunong manita.

Pansinin niyo na tuwing nanunuya ako, nagta-Tagalog ako. Mas malutong e. Pero bakit ko ba sinulat ‘to kung alam ko naman na matino ang hinahangad ng Ako Mismo?

Kasi, ako, gusto ko lang ilahad ang aking nakikita. Na minsan, sa pagnanais na pagbutihin ang sarili, nababalewala natin ang mga taong nasa paligid natin. Oo, sabi nila na tingan muna ang sarili bago ang iba pero tao tayo at siguro common sense naman na kung kayang pagsabayin ang pagbabago sa sarili at sa iba, edi go. Di ba, sabi nga, pinaka-naaalala mo ang isang bagay, alituntunin o gawi kung tinuturo mo ito sa kapwa.

Spur of the moment thinking.

2 thoughts on “Ako Mismo…hindi mangangako?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s