Bakit bang tuwing Biyernes nalang?

Sabi nila, Thank God it’s friday. Sabi ko, Oh MY God, Friday na naman?!

Di na ko tulad ng last time na nakaupo na lamang habang dinudukutan ng chicharon. Wala na kong pambili e. Di na nga rin ako nakahingi. Kasi naman, nawalan na ko ng gana kumain kanina. Bumili na nga lang ako ng Rice in a Box, lasang suka. Bibili naman ako ng KitKat pantanggal ng lasang ‘yon, e hindi ko naman maramdaman ang tamis. Parang wala lang, kumain na lang para hindi magpalipas gutom.

Bakit ganun? Me tama sila. Me rason din kami. Tapos sa magkabilang panig, kontrabida ang tingin sa isa’t isa.

Pero, ganun talaga siguro kapag bata ka’t nasa ilalim ka ng bubong ng may responsibilidad sayo. Yung tipong kahit kinasusuklaman mo na siya’t gustong-gusto mo na siyang sakalin at gupitan ng buhok, mapapasunod ka pa rin sa kanya dahil kahit alam mong tama siya at may tama ka rin, kasi nga siya ang may hawak sa’yo.

Mukha bang nakikiride ako sa kabila? Di naman. Ako mismo, nakunan at galit na galit ako pagkadating ng bahay. Naubos ko na ata ang galit sa mundo na nung nagsumbong ako sa nanay ko, ok lang sa kanya. Tinanong niya lang kung kailan ibabalik.

Habang sinusulat ko ‘to nababawasan ang damdaming umaalab. At nanghihimasok si Virgil.

Sabi niya: Kaysa isipin mong yang nakuha sa ‘yo na alam mo namang babalik yan, isipin mo nalang na andami mo pang ibang bagay na kelangan bigyang pansin.

E ano naman un?

Yung tinatawag na repercussion. Kasi naman, pre-occupied ka diyan sa nakuha e nabubulag ka sa bigger picture. Tinuturuan nga ng leksyon. Nu bang mukha na yan. What the fuck face? Tanggapin mo nalang kasi, bago bawiin lahat ng privileges mo. Alam mo yun, may mga bagay na dapat ipakain na lamang sa buwaya para maisalba ang mas mahalagang bagay.

(taas ng kilay) Liliwanag ang langit…kahit umuulan pa rin.

Ahh. Okay gets. May tinatawag palang intrams. Tsaka Grad ball. Langit, yun lang ang layo. Pero malapit naman ang daan papuntang Inferno: Eternal Damnation sa CS na mukhang booked hanggang October. Ayan, marami nang bisita sa classroom habang nagma-Math. O kaya Infernal Flame ng hindi paggagraduate. Bongga!

Warra, nakakasabaw isipin. Saaang bisyo ang mas nakakasatisfy? Langit, o Inferno? Kakayanin bang magtiis sa hi-tech nating Pay Phone. O kaya sa grandeng CTV cams?

Nakakabobo man ang pagrerelate ng Divine Comedy sa nangyayari ngayon pero may katotohanan naman sa kabila ng kabaduyan. Sabog man ang sulating ito pero nakukuha mo naman siguro ang sinsabi ko? May mas malaking bukol tayong matatanggap kung magpapakatanga tayo’t magrerebelde. Nagrebelde ka nga diyan, talo ka rin naman kasi labag ka sa batas. Kaya nga may sinasabing Play nice.

$

Nabobo ka na ba? Kasi nakakabobo ‘tong isulat.

Kaya kung gusto mo pa ng nakakabobong update, text MORE to 09277928162. At maghintay hanggang mamuti ang uwak para may magreply.

Kung hi-tech ka naman at gusto mo ng immediate update, comment ka nalang dito. Ayan o pindot ka lang ng Leave a Comment.

PAYPHONES not applicable.

One thought on “Bakit bang tuwing Biyernes nalang?”

  1. grbe :)) tawa ako ng tawa. pero supposed to be seryoso ata to. nakakatawa ka tlga. :)) pumasok pa c virgil. dko tuloy alam kung anu mrrmdmn ko. matatawa na lang ba ako o ma-whawhat the fuck face hbang inaalala yung mga ngyre kanina. :)) grbe. nakakatawa to sobra. pabasa ntin sa kinauukulan😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s