Salty Chicharon

Mas masarap pa pala ang chicharon na hiningi lang sa kaklase kahit alam mo nang maraming kamay nang nakidukot nito kaysa ikaw mismo ang bumili… nakakaumay.

Siguro kasi paunti-unti lang yung nakakain mo dahil nga humingi ka lang, o kaya, nakapag- ‘two birds with one stone ka’- kasi nakakain ka na, nakatipid ka pa kaya mas masarap yung ganoong klaseng chicharon. Pero, magandang isipin na nagiging mas masarap ang chicharon na hinigi lang kasi willing naman i-share ito ng kaklaseng dinudukutan mo.

Nganga. Subo. Kagat. Nguya. Sabayan ito ng paglagok ng Nestea Apple at maupo ka sa labas ng faculty center habang pinanonood ang mga schoolmate mong dumadaan. Paiba-iba ang mukha, minsa’y may tititig na lang sayo at mapapatitig ka na rin. Tipong ang sarap kindatan para lamang pagtripan. Yun lang ang landi naman noon at may dignidad ka pa namang hinahawakan kaya habang tuloy pa rin kang dinudukutan ng chicharon, mapapaisip ka na lang.

Ang bilis tumakbo ng buhay. Yung tipong nakaupo ka nga dun na parang ewan na tulalang nakatitig pero nakikita mo na tumutuloy pa rin sa kung ano man ang mga taong nasa paligid mo. Mararamdaman mo na kahit andun pa ung alat sa dila mo habang nginunguya ang chicharon hangga’t wala kang kinikilos na pagbabago, hindi ka papansinin ng mundo. Ayun, nakaupo ka lang. Silbi mo? Tagahawak ng balat ng chicharon.

Pagkaubos ng chicharon, ayan, unti-unti mo nang makikita ang light. Yung iba, uuwi na. Yung iba naman, dun sa isa pang kaklase na may chicharon magkukumpulan. Tapos ang matitira, sa kanila ka makakapagkuwento ng nilalaman ng kaluluwa mo.

Wala lang. Ang alat kasi ng chicharon.

$

Imbento.001

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s